Time Check (18:42)
Mapagpanggap akong nakaupo sa isang sulok ng MOA
Kunyari nagrereview, may nakalatag na refresher notes sa harap ko ngayon. Hinihintay ko kasi si Ate Rose dito. Nagdecide ako na magkape at i-familiarize ang sarili sa mga tanong at sagot tungkol sa Power and Industrial Plant Engineering. [***pero nagsusulat ako ng blog ngayon]
So, Bakit ko nabangit ang Sonic Speed?
Lately, natutuwa ako sa mga articles tungkol sa space. Mula sa blog na Wait but Why na tumatalakay sa kung ano-ano. (e. g. Artificial Intelligence, Space Travel at Tesla Motors) Basta yung mga kakaibang topics. Anong konek? Wala lang. Pagkatapos kong magbakasyon ng isang linggo sa probinsya lumuwas ako. Inabutan ko sa Review Centre ang Second Phase. Ang bilis ng phasing, babasahin ang problems; ibabato ang formula; direct substitution; sagot and move on sa next number. Nawindang ako ako nung Monday. Nanaginip ako kinagabihan. Nagpunta daw ako sa Silicon Valley at hinanap ang mahiwagang Genie na nagkakabit ng turbo jet sa utak para maka keep up sa bilis ng mga pangyayari.
Kinabukasan Martes, same-same pa din
Pumasok ako ng dalawang beses. 12pm to 3pm para sa Special Topic at 4pm to 7pm para normal na schedule. Pagkatapos ng klase, feeling ko nagpush-ups ako ng 500x. Naghapunan ako. Naglinis ng sarili. Nagmuni-muni tungkol sa mga pangyayari ng araw na iyon at natulog. Na-amaze ako ng kaunti sa sarili ko kasi, ok pa naman ako. Nandoon ang feeling ng excitement at thrill. [***ewan ko kung bakit ganon nararamdaman ko, may saltik nga yata ako]
Miyerkules (8am to 7pm with James and Ruyet)
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan pumasok kami sa tatlong schedule. Akala ko mahusay na ako noong Martes kasi naka dalawang pasok ako. [***but then we seem to bend reality] Special Topic sa room 402 ng 8am to 11am. Sit-in para sa Refresher first half, sa room 404 ng 12pm to 3pm. Sit-in para sa Refresher second half, sa room 202 ng 4pm to 7pm. For a very odd reason unknown to me, pakiramdam ko nakasakay ako sa Space shuttle sa Enchanted Kingdom. Iyong part na tumataas pa lang ang ride. Bumbwelo pa lang para sa exciting na ride tapos iikot doon sa loop.
Lumipad ang Huwebes at Biyernes
Sabado na ngayon, kulang isang buwan na lang bago ang board exam. Sa abot ng makakaya ko, susubukan kong ipaliwanag ang nararamdaman ko.
- Mainit dito tapos nagkakape ako. So number 01: I'm feeling hot. [***literal lang, ang init talaga] katulad ng init na mararamdaman tuwing pumipila para sa sit-in.
- I'm feeling blessed. As you may have known already, retake ako. [***kung hindi mo alam yon, edi ayan, ngayon alam mo na, hahahaha.]
- Bakit? Kasi noong mga panahon na gusto ko ng bumitaw hindi ako sinukuan ng pamilya at close friends ko. (I love you! 💕 family and friends)
- I'm feeling thankful para sa magagandang posibilities ng future
- I'm feeling a bit of fear but I'm more excited than afraid. Pakiramdam ko Championship ng National Scuaa at must win dapat, to bring home the gold medal. [***hello pala sa BPSU chessteam, miss ko na kayo.]
Belated Happy Birthday sa no. 1 Coach. Sir Q, Happy Happy Birthday po, may you have all the best in life. 🎂
Ahmmm, ayan na lang muna.
I love you! Kung sino ka man na bumabasa nito ngayon. Salamat!😽
Love,
J. G. Villanueva