Share this

Saturday, May 4, 2019

Paano ipasa ang Mechanical Engineering Board Exam




Paano nga ba?

Bago ako magsimula mag-review tinanong ko kay google kung paano ipasa ang Mechanical Engineering Board Exam. Binigo ako ni google. Hindi ko nahanap ang sagot sa tanong ko. Ngayon susubukan kong sagutin on my own.

Category

Hinati sa tatlong malawak na category ang lahat ng pinag-aralan mo sa school. Iyong apat o lima o kahit ilang taon pa man yan bago ka natapos ay nasa ilalim ng Math, Power and Industrial Plant Engineering, at Machine Design.


Huge Goal: Be the topnotcher



Ikukwento ko sayo ang experiences ko sa first take at second take. Third take ko na bessy. Dapat expert na ako sa mga ganitong bagay. Malalaman natin sa katapusan ng August kung makakabuo ako ng solid na routine para maging top notcher. [***go on, laugh at my goal, twice na bumagsak tapos ngayon gusto pang magtopnotcher, mahusay!]
Note: Ang mga susunod na hakbang ay pwede mo lang gawin kung sigurado ka na sa graduation.

Step one
review centre or self review
If
Self review - make your own study plan
Else
Review centre - pipili ka. Madaming review centers. Sa Manila, tatlo lang alam ko.
[***saka na natin pag-usapan ang review centre]

Step two
Maghanap ng bahay. Mag-ingat sa scammers.

Step three
Prepare your self. Be ready. Believe.

[***hahaha, ang steps na iyan ay mula sa perspective ko, with prejudice and biases included]



Nandyan na ang dorm life. Review experience, class mates, at dorm mates hanggang sa paghahanap ng pagkain. Maghahanap ka din ng grocery at laundry shop. At dahil nga beterano na ako sa mga ganitong galawan. Kukwentohan kita ng mula sa dalawa kong experience sa dalawang magkaibang review centre. Sumubok din ako magself review. O diba. Ang dami kong experience. Share ko sa iyo ang lahat ng iyan. Ngayon ay nasa thrid attempt ako to take the board exam. By the end of August malalaman natin kung paano nga kaya makapasa ng board exam. Iyon ay kung makakapasa ako. [***Oo naman, papasa na ako.]


Salamat!

Hanggang sa muli,

J. G. Villanueva