Share this

Sunday, May 5, 2019

Dorm hunt with friends and thesismates


Ano nga bang nangyari?


Naghanap kami ng bahay para sa review


Kasama ko si Jason, Christian at Kent. Maaga kaming lumuwas mula sa Bataan. Tanghaling tapat kami dumating sa Maynila dahil sa masikip na trapik. Tinulungan kami ni Jan jan kapatid ni Jason. Ilang street ang sinuyod namin para magtanong. Mahirap maghanap ng dorm na tumatanggap ng mga babae at lalaki na magkakasama sa isang kwarto.

Pagsakay ko sa LRT, nakaupo ako


First time kong sumakay sa LRT. May kasama akong tatlong Kuya. Feeling ko kasi ako ang bunsong kapatid nina Jason, Christian at Kent. Hindi ako nag-aalala. Isa pa, isang station lang, tapos bumaba na kami. Hindi rin rush hour kaya nadismaya ako. Inaasahan ko kasi ang mala train to Busan na eksena. Nadismaya ako, oo pero tuwang-tuwa din ako at the same time. Tuwing nasa taxi o jeep ako at natatanaw ko ang tren, sinasabi ko sa sarili ko na makakasakay din ako doon. Ayon, nakasakay na ako.


Naranasan mo bang uminom ng ice water?


Mali nga yata na ice water ang tawag doon. Pero kung nag-iisip ka na kung ano ang ice water hayaan mong i-describe ko sa abot ng aking makakaya. Nakakita ka na ba ng yelo na tig-dos. Nabibili iyon sa mga bahay na may nakapaskil sa "ice for sale". May piso, dos at tres depende sa quality ng tubig na ginamit. Iyong supot na sinasalinan ng soft drinks kapag bumili ka sa tindahan. Ganon ang plastic na nilalagyan ng tubig at pinapatigas sa freezer para makagawa ng yelo. Habang nasa tubig phase pa din ang content, right at that moment ice water ito. Ice dapat talaga, pero tubig pa din. Anyway, ano bang kinalaman ng ice water sa paghahanap ng bahay? Well, nakabili kami ng ganoong tubig sa isang bahay. Habang umiinom ako noon, nag freeze ang kapaligiran. Bumalik ako sa panahon na elementary pa lang ako. Nostalgic. Palagi kami umiinom sa ganoong paraan. Kakagatin ang dulo ng plastic sabay idudura sa basurahan, kung mabait na bata. Idudura sa katabi ng tarantadong bata. Mainit. Sobrang init ng araw na iyon. Mabuti na lang at nagdala ako ng payong. 

Bago matapos ang araw at bago magsara ang bangko


Nakapagdesisyon kami kung saan tutuloy para magreview. Nagbayad kami ng reservation fee at pumirma sa kontrata. Naghapunan kami sa Mang Inasal. Si Christian, Kent at ako ay sumakay sa bus para umuwi ng Bataan. Si Jason ay sumama kay Jan jan. Nakakuha kami ng dalawang kwarto. Apat na tao sa isang kwarto. Room 404 at room 509 ang available. Si Dior, Gian, Andeng at SiAko sa room 404. Si Jin, Jason, Kent at Christian sa 509. Hindi naman kami nabiktima ng scammers.

Salamat,

Hanggang sa muli, 

J. G. Villanueva