Happy saturday my dear!!
Everyweek may roong evaluation exam
Tatlong oras na lecture sa loob ng limang araw. Tatlong oras na weekly evaluation. Naka-isang evaluation exam na ako. Sad to say that I barely passed. Seventy :( ang score ko. I wanted more than that.
Math ang topic ngayon
Natapos na namin ang Algebra I to III; Trigonometry; Probability and Statistics; Plane and Solid Geometry; Analytic Geometry; Differential Calculus. Looking forward ako sa darating na evaluation. Kailangan ko ng mataas na score para makita ang pangalan ko sa list. Dahil ang median scores, ID number ang nasa list. Tuwing matatapos sila sa pag-check ng papel namin. Posted sa wall ang scores. Top 10 ang pinapangalanan. Gusto kong masama sa top 10.
Pamilyar na ako ngayon sa mukha ng mga kaklase ko. Alam ko na ang pangalan ng mga teacher. May kumportableng upuan na din ako sa harap.
Adjusted na ako sa dorm set-up. Nakapalagayan ko ng loob ang mga kasama ko sa kwarto to the point na maingay na kami. Nagagalit na ang kapit bahay.
I am so blessed and thankful. Nagpapasalamat ako sa universe para sa opportunity na mayroon ako ngayon. I need to do my best out of this situation.
Salamat!
J. G. Villanueva