Posts

2-22-25

Image
 Dahil sa special set of numbers today, naisipan kong bumalik sa pag-susulat. 02-22-2025, Saturday Nasa SEMEQ Office ako ngayon. Alasyete kaninang umaga, half-awake akong gumayak, sumakay ng jeep at pumunta sa Emerge. Muntik pa lumampas kasi nakaka-idlip ako sa byahe. Teka lang, bago ako mag-kwento ng mga kung ano-ano, hayaan mo muna akong magpakilala ulit. Pero kung nagbabasa ka na dito dati pa, malamang sa alamang kilala mo na ako. Ako ang manunulat sa domain na may title na: Dapat Bobo . May ilang buwan na rin akong walang Blog Post. Ghost mode sa sariling platform. Mabuting sign from the cosmos na gusto ko na ulit sumulat. Iyong uri ng pagsulat na pwedeng mabasa ng ibang mga tao. Kasi, kahit walang ganap sa blog nang ilang buwan. Sumusulat pa rin ako sa mga Physical Notebook gamit ang ballpen o lapis. Iyong tunay na notebook na may pages. The classic method.  Body Pains Paggising ko nang Biyernes ng umaga, masakit ang left chest ko (iyong tapat ng puso talaga). Hindi ko al...

Gunman in Joseon

Image
Diary ng Sales Lady Entry no. 15 Gun Man in Joseon K-drama summary and review by Jess Yungang Suin Yeonah Choi Wonsin Hyewon Mr. Yamamoto Gunman in Joseon 22 episodes. Sila ang mga character na tumatak sa akin. Joseon era, may King, Queen, Court lady. Power Struggle ang tema. Revenge type din. Sinusulong ng mga scholar ang reporma. Pinapatay ang mga lider ng reformista. Nag-paimbistiga ang hari. Pinapatay sa isang gunman ang tatay ni Park Yungang. Ang sikretong gunman ay si Choi Wonsin. Naakusahan bilang traitor kaya naging slave si Yeonah (nakababatang kapatid ni Yungang). Pinapapatay din si Yungang. Habang patakas si Yungang, binaril siya ni Choi Wonsin. Akala nila patay na si Yungang pero may nakapagligtas sa kanya. Nakarating siya sa Japan. Naging business man at nag-aral humawak ng baril. Makalipas ang tatlong taon bumalik siya sa Joseon upang linisin ang kanyang pangalan. Hasegawa Hanjo ang ginamit niyang pangalan at bumalik si...

Just Rants...

Image
Diary ng Sales Lady Entry no. 13 Hi! A different escape Nawalan ng kuryente dito kanina. Naging instant sauna ang room 101. Nagdecide ako na matulog. Nakatulog naman ako kahit mainit dahil talent ko ang matulog. Nang magising ako wala pa din kuryente. Mainit kaya naisipan kong pumunta sa SM Central. Kumain ako ng halo-halo sa Chowking. Nagsulat sa journal at nagbasa ng libro. Weird no! Ako lang ang gumagawa ng ganon sa fast food. Iyong mga kasabay ko: kundi may kausap ay nagseselpon. Lagot Ngayong linggo, natutunan ko na maaring nasira ko ang pangarap ng mga future statistician sa tatlong section na tinuturuan ko. Wala sa curriculum ang itinuturo ko. Kung may penalty ang DepEd sa mga guro na hindi sumusunod sa kanila, malamang magbabayad ako. A burning desire to learn First week ng February ako nagsimulang magturo. Eighty hours ang design ng module na pang-K-12. Meron akong slight guilt feeling, dahil pakiramdam ko ay mali ang ginagawa ko nitong nakara...

Straw Hat

Image
Diary ng Sales Lady Entry no. 12 Straw Hat Kung nabasa mo  ang post ko tungkol sa speech , nabanggit ko doon na isa akong semi-tahimik na tao. [***seriously? hindi mo pa nabasa  'yong post ko na nag-claim na isa akong introvert dati? .. hmph, tampo na ako.. basahin mo un ahh..] Jess' vocabulary: semi-tahimik dating tahimik at on the process of looking for the right words to say semi-speaker nangagarap maging professional speaker Merong kwento kung bakit ako tahimik Noong pumasok ako sa school, kinder, five years old; isa ako sa pinakatahimik na bata. To the point na ilang taon pa school at ako na ang taga lista ng maiingay na kaklase.  Kaya napunta ako sa ganitong conclusion. Umupo ako sa thinking chair, exept I did the Dr, Strange pose, habang suot ko ang straw hat kaya feeling ko meron akong aura ni luffy. [***naimagine mo ba?] imagine mo si jess na nakasuot ng straw hat at naka-indian seat sa thinking chair tulad ng sa blue's clues ...

Do you ever feel like home is too comfortable?

Image
"Comfort is the enemy of growth" Wala pa akong isang buwan sa pagtuturo, pero iniisip ko na kung magtuturo ako sa next school year o hindi na.   Ano sa tingin mo? Hmmm... Kanina habang nasa UV pauwi ng Bataan galing Harbor Point, nagkukwentuhan ng malakas ang dalawa sa kasakay ko. Ang ingay nila! Kaya naglabas ako ng earphones at nag-set ng spotify. Typically, normal na music ang papakinggan ko. Nagkataon lang na medyo badtrip ako kanina. Pinili kong makinig sa podcast. Si Mr. Eric Edmeads ang speaker at ang topic ay about speaking. Alam mo ba!? Isa akong slightly tahimik na tao. [***slighlty lang kasi kako from introvert gusto kong maging ambivert] Kahit tahimik ako, isa sa pangarap ko ang maging professional speaker. Iyong tipo na magsasalita ka lang tapos parang hypnotized na makikinig sa'yo ang mga tao. Ang unang speech na ginawa ko ay noong third year highschool. Requirement namin sa subject. Tapos simula ng araw na iyon, ginusto k...

The Code of the Extraordinary Mind

Image
Diary ng Sales Lady Entry no. 11 [***Waahh!!! Wala akong post last week] Ano bang mga kaganapan? Ahmm… Nakakuha na ako ng passport.  Walang klase ang mga senior high this week kaya medyo nagcecelebrate din ako dahil ibig sabihin nito. Wala akong pasok! Nangangapa ako ng very slight sa Sistema ng Grading. Keri naman makaka-adapt din. Kwentong mekaniko naman… Noong isang araw, nakakita ako ng actual pump na binubuksan. Isa sa mga pangarap ko 'yon. Ano ba ang itsura ng loob ng pump? YQH = P Y- specific weight [***gamma dapat yan haha] Q- Volume Flow Rate H- Head P- Power Tinanong ako ng tunay na Engineer tungkol sa parts at function. Nakakahiya dahil sa lahat ng tinanong ang sagot ko ay "hindi ko po alam".. ): Nanuod ako sa ginagawa nila, pero nahiya ako mag volunteer kahit simpleng assist lang. Iyong tipong taga abot ng torque wrench o kahit taga alalay lang ng kahit ano. Ang weird, kasi sanay ako ma...

Happy Hearts Day πŸ’•

Image
Diary ng Sales lady Entry no. 10 Happy Valentines Day  nung Friday.. πŸ™‚ Dahil sa kalilipas na heart week.. Mag Thank You Post tayo. Thank you sa aking mga Magulang para sa pagsilang sa akin sa mundong ibabaw Thank you sa aking kapatid, para sa experiences together Thank you sa extended family tito, tita at mga pinsan na nagsilbing inspiration, support at motivation Thank you sa mga opportunity na bumubukas para sa akin Thank you sa mga bagong kaibigan Thank you sa mga dating kaibigan Thank you sa mga estudyante Thank you sa mga bagong environment Sorry... Kung sakali na sa mga past actions ko ay nakasakit ako nang feelings Love, J. G. Villanueva Liked this page ? Visit the blog page .